Amy Perez has one request to ex-husband Brix Ferraris: “Sana i-divorce na niya ako.”

0
129

PEP – Tuesday, February 8

Tuloy-tuloy na nga ang pag-arangkada ng career ng television host na si Amy Perez. Bukod sa pagiging host ng Face 2 Face, TV5’s talakserye, kasama na rin siya ngayon sa bagong format ng Sapul sa Singko, ang morning show ng TV5, aired from 5:00- 8:00 a.m., Mondays to Fridays.
Kasama ni Amy sa bagong format ng show sina Erwin Tulfo, Chiqui Roa-Puno, Martin Andanar, Lourd De Veyra, Shawn Yao, Atty. Mike Templo, Lia Cruz, Ferdinand “Makata-tawanan” Clemente, at Benjie “TsongkiBenj” Felipe.
Si Amy ay kasama sa “Love Hurts” na segment ng morning show. Makakasama niya rito sina Erwin Tulfo at Martin Andanar sa pagbibigay ng payo tungkol sa pag-ibig.
Nagbigay ng patikim sima Amy, Erwin, at Martin sa pagbibigay ng payo sa isang liham mula sa isang miyembro ng press na dumalo sa press conference ng Sapul sa Singko kaninang umaga, February 7, sa Annabel’s Restaurant sa Quezon City.
DIVORCE CASE. Pagkatapos ng press conference nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press na makausap si Amy.
Hindi na din naiwasan na mapag-usapan ang mga sakit sa puso ni Amy na kanyang naranasan pagdating sa pag-ibig.
Sa general presscon, ibinalita ni Martin na nahanap niya sa YouTube ang dating asawa ni Amy na si Brix Ferraris.
Ayon kay Martin, nasa California na raw si Brix at mukhang may career na doon as a performer.
Ano ang masasabi ni Amy nang malaman niya na nasa California ang kanyang dating asawa?
“Wala naman. Natawa lang ako. Sana i-divorce na niya ako. Yun lang ang pakiusap ko,” mabilis na tugon ni Amy sa tanong ng press.
Dagdag pa niya, “Actually, may mga bali-balita na pero wala namang confirmation hanggang sa may nagsabi na andun nga daw. Nag-ti-TNT [tago nang tago] siya, actually. Kung masama nga ugali ko puwede ko siyang i-report di ba?
“Pero hindi na, hayaan na natin. May mga kanya-kanyang buhay na kami. Tutal naman hindi na niya kami pinakikialaman. Siguro ang tanging problema namin is the legal side of it,” sabi ni Amy.
Ayon pa kay Amy, wala pang progreso sa divorce na kanyang isinampa.
“Kasi nga yun ang problema: Paano mo kakausapin ang taong ayaw makipag-usap at nagtatago at tumatakbo sa responsibilidad niya? So dun kami nahihirapan actually. When in fact, okay naman na lahat kay Brix . Siguro, hindi lang talaga siya sanay, alam mo ‘yon, yung nakikipag usap,” kwento ni Amy.
HAPPY FAMILY. Maayos at masaya si Amy ngayon sa piling ng kanyang 5-year partner na si Carlo Castillo. Ngunit meron pa silang gustong mangyari upang maging buo ang kanilang pagsasama.
“Kami ni Carlo we are still hoping and praying na yun… na magbago yung ihip ng hangin, na sana this time siya [Brix] na yung mag-file ng divorce. Kasi ako, on my side, nagawa ko na, e. Nagawa ko na lahat ng puwede kong gawin: Makiusap, magmakaawa, lahat na [just] to save the marriage before, and finally [to] let go. So ngayong tapos na, hindi pa rin…,” paglalabas ng sama ng loob ni Amy.
Nagpasalamat din si Amy sa kanyang partner na si Carlo. “Sobrang naiintindihan niya,” aniya.
Bukod kay Carlo, malaki rin ang pasasalamat ni Amy sa pamilya ni Carlo.
“More than kay Carlo, I’m thankful sa family niya, for accepting me totally and more than anything yung pagtanggap sa anak ko. Yun ang talagang, overflowing yung joy and happiness ko.
“Kasi talagang kung tutuusin hindi nila kaano-ano, hindi nila kadugo. But they love Adi so much,” sabi ni Amy.
Nagbigay pa siya ng example kung paano tinatrato ang kanyang anak dating vocalist ng bandang Southboarder.
“Yung tipong every Christmas, inaabangan ni Adi yung pagpunta sa mga kamag-anak ni Carlo kasi andami niyang nakukulektang bente pesos. Di ba, yun yung joy talaga ng bata,” halakhak ni Amy.
Kumusta naman ang anak nila ni Carlo na si Kyle?
“Kyle is now two years old. Si Kyle is doing good. He is two years old. Favorite niya is Michael Jackson!” masayang kuwento ng mom of two boys.
Natutuwa din si Amy at nagkakasundo ang dalawa niyang anak na lalake na sina Adi, 13, at Kyle, 2.
“Walang kaproble-problema. Parang suddenly si Adi felt so responsible, bigla siyang naging kuya. Gustong- gusto naman niya. Ang galing ng Diyos na ginawang lalake yung anak namin ni Carlo para may bonding moments sila. Kasi pag- babae definitely magkakaproblema ‘yan kasi magkaiba ng gusto.
“So ngayon parang, [sinasabi ni Adi] ‘I’m your kuya and I will take care of you.’ Well protected si Kyle with Adi around ‘tsaka si Adi talagang mauutusan mo na, ‘O, Adi, watch over Kyle muna.'” kuwento ni Amy.
Isa ngayon sa mga balak ni Amy at ng kanyang partner na si Carlo ang ma-adopt na nang tuluyan ni Carlo si Adi.
“Talagang uupuan naming ‘to one of these days kasama ang isang abugado para maayos na rin ang lahat. Kasi ano na siya, e, parang napakahabang telenobelang walang ending! Hindi malaman ng director kung paano iklo-close! Bakit kaya hindi magaling na scriptwriter ‘tong si Brix,” pagbibiro ni Amy.
Turning serious, nagpatuloy si Amy, “Actually isa sa mga nire-request ngayon ni Adi, sabi niya, ‘Mom, when can I change my last name? I really wanna change it to Castillo.’ Kasi talaga ang nakilala niya nang tatay ay si Carlo.”
ON EX-HUSBAND. Hindi na rin naiwasan na mapag-usapan ang kanyang dating asawa, si Brix Ferraris.
Ano nga ba ang dahilan at nag-fail ang kanyang unang marriage?
“I was very open na ang naging dahilan talaga is that irresponsible siya, hindi siya ready, may babae, maraming issue, e. Ako rin at fault din ako kasi I was really hoping and praying for a perfect marriage,” ang naging diretsang sagot ng television host.
Matagal din daw na hindi nakikita ng kanyang anak na si Adi si Brix.
“[Taong] 2005 pinangakuan niya na magta-Timezone sila, hindi siya dumating so siyempre, paliwanag na naman ako sa bata.
“Ang huling pinakamasakit kay Adie yung ‘eto lang, nakita niya may Facebook account ang tatay niya, in-invite niya, hindi siya sinagot.
“So, sinabihan kami ni Carlo na parang tama na. Yun na yon, na-feel na ng bata yun, di ba?
Pagpapatuloy ni Amy, “Hindi mo rin masisisi yung bata kung wala siyang pang-amor sa tatay niya kasi talagang wala. Nag-try naman siya mag- reach out. I think hindi naman nararamdaman ni Adi yung loss because sobrang pinupuno ni Carlo yun for him.”
May tampo man daw si Adi kay Brix, sinasabihan pa din ito ni Amy na kilalanin pa rin si Brix na tatay niya.
Ani Ami, “[Sinasabi ko okay Adi], ‘Eventually in the future magkikita at magkikita kayo, hindi ko nga lang alam kung kelan, anak. You have to be ready kung ano ang sasabihin mo. Just be open.”
Tanong ng press kay Amy, papayag kaya si Brix na ampunin ni Carlo si Adi?
“Siguro naman. Kasi kahit na balibaliktarin natin ang mundo, ‘Labintatlo na ang anak mo, kung talagang mahal mo at meron kang pagmamahal, ano ba naman yung silipin mo?’ ang naging diretsang tanong ni Amy sa dati niyang asawa.
Sinabi din niya ang kanyang naging realisasyon kung bakit ganun ang kanyang dating asawa.
“Nung nakausap ko yung mga [miyembro] ng Southborder nung lahat kami nag-grow-up na, may mga kanya-kanya nang pamilya, napagdugtong-dugtong namin ang lahat. Then we realized, Brix is the type of person na hindi siya family man. Hindi siya yung type of guy na the marrying type
“Kasi kung napapansin ninyo, wala naman napapabalita na karelasyon niya ng matagal. Wala rin namang napapabalita na anak niya, so hindi siya talaga ganun. Yung sa kanya ang concern niya is career, yung sarili niya, yun lang siya,” sabi ni Amy.
AMY’S LOVE ADVICE. Isang situational question naman ang sinagot ni Amy mula sa press: Paano kung isang babae ang biglang humingi ng payo sa kanya tungkol kay Brix?
Natawa si Amy at nagkuwento, “Nangyari na ‘yan, may babaeng lumapit, hindi naman para humingi ng payo kundi para mag- sorry at aminin niya na nung time na naging kami ni Brix isa siya sa mga naging karelasyon ni Brix.
“Natawa na lang ako ‘tsaka siyempre naawa ako dun sa girl pero kinonggratulate ko na din siya kasi kumbaga nag-move on na siya. Kasi all the while akala niya siya lang, yun pala meron pang iba.
Nag-iwan pa si Amy ng payo sa lahat ng mga kababaihan:
“So, ito yung sasabihin kong advice sa mga kababaihan, na pag ang guy na may asawa at sabihin na ikaw lang, [huwag kang maniwala] kasi definitely kung nagawa niya sa asawa niya yun, magagawa niya sa iba.”

source: http://ph.news.yahoo.com

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here