Anne Curtis says there’s no rift between ‘It’s Showtime’ hosts

0
40

Itinanggi ng aktres na si Anne Curtis ang hindi umano pagkakaunawaan sa pagitan ng mga host ng “It’s Showtime.”

“Wala namang issue. I really don’t know where it’s all coming from. But you know, it’s all part of the industry. As always, they always have something to say. As of now, it’s safe to say walang issue, we are all working as a family. So, wala, walang issue,” ani Anne sa panayam nitong Huwebes.

Ayon pa kay Anne hindi din totoo ang balitang nagkakapikunan sila ng kasamahang si Vice Ganda.

“No, wala naman. I mean, mayroon din kaming issues ni Vice, pero hindi seryoso. Alam mo ‘yung nag-aasaran pero wala pa ‘yung tulad ng sinasabi nila na pikunan na serious na it falls to a big fight and commotion, wala.”

Noong nakaraang linggo lang itinanggi ng ABS-CBN sa pamamagitan ng isang statement ang balitang nag-bitiw na di umano si Bobet Vidanes bilang direktor ng “It’s Showtime” dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ng resident judge-host nito na si Vice Ganda at ibang coh-hosts.

Sinasabing ang pagkakaroon ni Vice Ganda ng shows abroad at ang pagbabakasyon naman para sa Semana Santa ni direk Bobet ang dahilan kung bakit pansamantala itong nawala sa noontime show.

Sa pagbabalik naman ni Vice noong Miyerkules (April 18), iginiit nitong walang katotohaan ang mga isyung naglabasan at na-miss niya ng husto ang “It’s Showtime.”

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here