Babaeng binayad sa rebond ang ayudang ₱6,500, nahuli ng barangay dahil sa curfew

0
458

– Lumabag sa curfew ang isang babae mula sa Brgy. Biñang 2nd, Bocaue, Bulacan matapos nitong magpa-rebond – Ang siste, umamin pa umano ito na ang perang ginamit niya para rito ay ang ayudang natanggap niya mula sa social amelioration program ng pamahalaan – Bandang 9:30 ng gabi na ito nakauwi kaya isa siya sa mga nahuli nitong Lunes, Abril 20 – Mariing ipinaaalala ng mga awtoridad na manatili pa rin sa mga bahay lalo na at extended pa ang enhanced community quarantine hanggang Mayo 15 kung saan kabilang pa rin ang Bulacan.

Agaw eksena sa social media ang post ni Kagawad Rico Navarro ng Brgy. Biñang 2nd, Bocaue, Bulacan dahil umano sa isang babaeng bagong rebond na lumabag sa curfew. Ayon sa kagawad, 9:30 ng gabi nang makita pa nilang naglalakad sa labas ang babae kaya naman nila ito hinuli nitong Lunes, Abril 20. Umamin ang babae na nagpaayos ito ng buhok kaya umano siya ginabi sa pag-uwi. Isa rin sa mga inamin nito ang na ang perang ginamit niya sa pagpapa-rebond ay ang ₱6,500 na ayudang nakuha sa social amelioration program ng pamahalaan.

Kasama ng babae na inabot ng curfew nang araw na iyon ang mag-asawang nag-aaway sa may tulay na hindi alintana ang curfew.

Sa kasalukuyang enhanced community quarantine, ipinagbabawal ang pananatili sa labas mula 7 ng gabi hanggang 5 ng umaga at tanging ang may mga quarantine pass lamang ang pwedeng lumabas mula 5 ng umaga hanggang bago mag-7 uli ng gabi kung bibili lamang sila ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, inumin at gamot. Mariin pa ring pinapaalala ng awtoridad na manatili pa rin sa mga bahay lalo na at extended ang enhanced community quarantine hanggang Mayo 15 sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2959835070721214&id=100000842491372?sfnsn=mo

Tatlong katao po ang aming nasakote kagabi (april 20) na lumabag po sa curfew kasama rito ang dalawang mag asawa na nag aaway sa ilalim ng flyover bandang 9 ng gabi at isang babae na naglakakad sa crossing pauwi dakong 9:30 ng gabi na umaming nagparebond siya nang makatanggap ng ayudang 6,500 mula sa dswd.
#pasaway
#tigas-ulo

Source; Kami.com.ph

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here