Bangs Garcia shows a different side in ‘Kung Ako’y Iiwan Mo’

0
40

Bangs Garcia topbills the new teleserye of ABS-CBN Kung Ako’y Iiwan Mo alongside Shaina Magdayao and Jake Cuenca. When asked about what her role would be in the upcoming OFW drama, she replied, “Isang typical Filipina na family oriented din, simpleng babae din, mapagmahal. She will do everything for her family lalo na sa daddy niya kaya lang in love na in love ako kay Paul (Jake Cuenca) so dun nagkakatalo. Dun nagiging torn si Mia (Bangs’s character) pagdating kay Paul at sa pamilya niya. So kung yung character dati ni Mia na sobrang simpleng babae, tahimik lang, very naïve medyo nagbago yun nung dumating si Sarah (Shaina Magdayao).”

Bangs Garcia is also known for portraying sexy roles and her role in Kung Ako’y Iiwan Mo is no different. “Mawawala ba yun kay Bangs Garcia? Parang dun ata ako known pero kung napansin niyo di ako masyadong nagsexy after Kristine kasi sa Kristine that was my sexiest pero I think isa ito sa mga most daring roles ko din in a different way. Ibang-iba din siya sa Kristine e ibang-ibang talaga ito and very realistic itong teleseryeng pinaghandaan namin ngayon kasi maraming makakarelate na mga Pinoy sa abroad na talagang totoong nangyayari.

According to Bangs, this is also one of her most challenging roles to date and she’s both excited and nervous about it. “Hindi ko alam kung ano kasi kakaibang Bangs Garcia na naman ang makikita niyo dito and this is the first OFW-serye ng ABS-CBN so talagang mixed emotions. Excited na natatakot kasi hindi ko alam ang magiging reaction sa akin ng mga tao pero sobrang thankful ako.”

Jake and Bangs already worked several times together from the actionserye Palos to Precious Hearts Romances. So Push.com.ph asked Bangs how different is her working relationship with Jake now that they are more mature and have gone through so much professionally and personally. “Happy ako si Jake ulit yung ka-love team ko kasi kumportable na ako sa kanya at ang napansin ko kay Jake he is getting better and better as time passes by. Sobrang maalaga rin siya as usual saka he gives me advice between takes na, ‘Bangs nandito ka na,’ ganyan. He gives advice at yun ang gusto ko kay Jake. Sobrang galing niya at pagdating sa trabaho focused talaga siya makikita mo yung determinasyon niya.”

As for her other co-star Shaina Magdayao whom she worked with on Kambal sa Uma as Shaina’s villain, Bangs said, “Very comfortable na ako at alam ko nang umatake sa scenes naming, lalo na kapag may sensitive scenes ganun so hindi na kami nahihiya. ‘Sorry’ ganyan tapos hug na lang after.”

When asked about their characters in the series, Bangs said, “Actually mahirap sabihin kasi bawat character naming tatlo, si Jake, Shaina, at ako meron kaming iba’t ibang pinaghuhugutan so bahala na ang audience na magjudge. Minsan kasi malilito kayo sa tatlo kung kanino kayo kakampi, yun yung maganda sa seryeng ito, yun yung pagkakaiba.

Catch Kung Ako’y Iiwan Mo beginning April 16 on Kapamilya Gold.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here