Pinakamalaking barko ng PCG, nasa PHL na para sa COVID-19 efforts

0
164
barko ng pcg

Kadarating ang sa Maynila ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Gabriela Silang na mula Malta para sa repatriation ng mga pinoy.

COVID-19

Ayon sa Coast Guard, magsisilbing “transport ship” ang barko at gagamitin para sa pagbibiyahe ng mga medical supplies patungo sa mga probinsiya.

Isasakay sa naturang barko ang tone-toneladang medical supplies, Personal Protective Equipments (PPEs), mga gamot at magsasakay din ng mga health workers at iba pang frontliners patungo sa mga regional hospitals sa ibang panig ng bansa.

Also Read: Duterte ‘inclined’ to extend COVID-19 quarantine to April 30

Nakahanda din ang Coast Guard na gamitin ang BRP Gabriela Silang bilang offshore patrol vessel na magsisilbing quarantine ship kung kinakailangan.

Ang BRP Grabriela Silang ay isang 83.6 meter na offshore patrol vessel, na gawa ng French shipbuilder na OCEA.

Enero pa dapat nasa bansa ang naturang barko pero habang nasa biyahe papuntang Pilipinas, na-divert ito sa Malta para sa isakay ditto ang mga Pinoy na mula sa Gitnang Silangan.

Nagkakahalaga ang nasabing barko ng P5.6-Billion base sa nilagdaang kontrata ng Pilipinas at ng OCEA noong 2014.

Source: Brigada News

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here