Daniel Padilla clarifies rumored sighting with Kathryn Bernardo in Tagaytay

0
85

Naging usap-usapan sa Twitter at ilang internet sites na may nakakitang magkasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Tagaytay noong nakaraang Holy Week break. Ngunit sa one-on-one interview ng Push.com.ph kay Daniel Padilla pagkatapos ng press con ng Princess And I kagabi, April 11, itinanggi ng batang aktor ang ispekulasyon ng ilang online fans tungkol dito. 

Ipinaliwang ni Daniel na sumaglit lang siya sa bahay nila Kathryn bago nagtungo ang pamilya nito sa Tagaytay. “Ah hindi, medyo nabalita lang yun kasi nagpunta ako sa bahay nila before they went to Tagaytay. Kinuha ko yung wallet ko sa kanya.  Ipinahawak ko kasi kay Tita Min  (ina ni Kathryn) nung nag-shooting kami tapos naiwanan ko.”

Sa nasabing press con, marami ang nakapansin na si Daniel ang laging nakaalalay kay Kathryn kumpara sa dalawa pa nitong leading man na sina Enrique Gil at Khalil Ramos. Tingin tuloy ng iba ay may nabubuo ng espesyal na pagtitinginan sa pagitan ng dalawa.

Ngunit sa kabila ng ipinapakita niyang sweet gestures kay Kathryn, iginiit ni Daniel na hindi pa siya nanliligaw sa batang aktres. “Kasi si Kathryn naman siyempre babae ‘yan e, kailangan natin inaalalayan palagi ‘yan. At siyempre prinsesa natin ‘yan kaya dapat laging kung turingin talaga parang prinsesa. Tsaka respeto ko yun kay Kathryn.”

Hindi raw malabong ligawan ni Daniel si Kathryn ngunit hindi pa raw ito ang tamang panahon para isipin nila ang ganong bagay. “Siguro ngayon medyo malayo pa tayo kasi may iba pang kasamang ka-love team si Kathryn dito sa soap. Kung ligawan ko siya ngayon, sobrang nakakailang po yun para sa iba tsaka para sa akin din po. Kaya siguro, ngayong mga oras na ito malabo pa.

So ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ngayon? “Wala. Medyo close na talaga kami. Siguro best friends, ganon. Hindi naman din magandang unahin ang mga ligaw ligaw sa ngayon kasi may teleserye, ba’t mo naman uunahin yung ibang bagay. Hindi [rin] naman sa pagkabata, ‘di naman problema yun, [kundi] sa oras at panahon ngayon.”

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here