Daniel Padilla on Kathryn Bernardo: ‘Natutuwa siya pero ‘di niya ipinapakita na gusto na niya

0
26

Naging very vocal sa The Buzz nitong Linggo si Boy Abunda sa pagsasabing ilang taon mula ngayon ay inaasahan niyang magiging isa sa mga pinakamalaking artista ang batang aktor na si Daniel Padilla, anak ng mga dating artista na sina Rommel Padilla at Karla Estrada at pamangkin ng action star na si Robin Padilla.

Gaya ng kanyang ama at tiyuhin, sinasabing ang strength ni Daniel ay ang kanyang sex appeal. “Nakakatuwa kasi kahit ako po hindi ko talaga alam kasi tingin ko po sa sarili ko underdog lang po talaga,” sagot ng binata sa mga opinion ng nakakakita sa kanya. Paliwanag pa ni Daniel, nasanay raw siya na hindi siya pinapansin noong nagsisimula siya kaya hindi raw big deal sa kanya kung hindi siya napapansin. “Hindi ko po kasi inisip (mapapansin ako ngayon) na kunwari maraming tao ako, simple lang po talaga. Kunwari hindi (ako) mapapansin, ayos lang sa akin kasi ganun naman po talaga ako, eh.”

Dahil daw malaki ang kinalaman ng kanyang mga fans sa kanyang katanyagan ngayon, sinabi ng binata na kapag may oras ay nakikipag-bonding siya sa mga tagahanga niya. “Siyempre ‘pag kayang-kaya naman, nagkikita-kita, ‘pag kaya ng schedule. Siyempre kung wala sila, ba’t pa ako andito? Sila po ‘yung sumusuporta. Minsan mas alam pa nila ang schedule kesa sa akin, nakakatuwa.”

Sa upcoming teleserye na Princess And I, makakapareha muli ni Daniel si Kathryn Bernardo na co-star niya sa teen show na Growing Up. Pero sa bagong teleserye, me iba pang love interests si Kathryn, si Enrique Gil at Khalil Ramos. Sinabi ni Daniel na ayos lang sa kanya ang competition. “Para sa akin hindi naman kailangang umeffort para mapansin, kung sino lang makapansin, eh ‘di salamat. Pero ‘pag hindi, eh ‘di ayos lang,” simple niyang sagot. Kahit tinutukso siyang nagseselos sa ibang leading men ni Kathryn nilinaw ni Daniel na wala siyang karapatang magselos dahil hindi naman sila magkarelasyon ng kanyang leading lady.

Inamin din ni Daniel na nagkaroon siya ng girlfriend dati pero ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dito.

Vocal si Daniel sa pagsasabing may pagtatangi siya sa kanyang leading lady na si Kathryn pero hindi raw niya matiyak kung in love na siya sa dalaga. “’Di ko po alam pero ngayon ko lang po naramdaman ito sa isang babae.” Ipinaparamdam raw niya sa dalaga ang kanyang espesyal na pagtingin sa pamamagitan ng pagtrato sa dalaga na parang prinsesa sa set.  

Hindi naman daw sila nagkakaroon ng pag-uusap ni Kathryn sa kanyang special feelings dahil ‘di na raw ito kailangan. “Alam naman po niya na gusto ko talaga siya. Siguro nararamdman naman niya.” Dagdag pa niya vocal naman siya sa pagsasabi nito sa kanyang mga interview. Nang tanungin naman kung ano ang reaksyon ni Kathryn sa kanyang pagpapakita ng emosyon, sagot ni Daniel, “Wala naman po pero siyempre nakita ko naman na natutuwa naman pero ‘di niya ipinapakita na gusto na niya ako.” Bilang baguhang artista, sinabi ni Daniel na kailangan niya ng inspirasyon sa trabaho at ang inspirasyong iyon ay si Kathryn.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here