Dolphy to his friends and fans: ‘Huwag kayong mag-alala, I’m okay’

0
52

Sa wakas ay nabigyang-linaw na rin ang tunay na kalagayan ng kalusugan ni Dolphy nang maglabas kamakailan ang Comedy King ng isang video upang bigyang linaw ang tunay na estado ng kanyang kalusugan.

Sa The Buzz ipinalabas ang nasabing video kahapon at dito ay ibinahagi ni Dolphy ang lagay ng kanyang kalusugan. Isa itong malaking development lalo na’t matagal nang pinag-uusapan ang kalagayan ni Dolphy. Nagkaroon pa nga ng mga hoax noon na pumanaw na raw ang showbiz icon na nakaapekto sa pamilya ng aktor at nasanay na raw sila sa ganitong mga usap-usapan.

Masaya si Dolphy sa kanyang video at tiniyak sa kanyang mga kapwa artista at mga taga-hanga na maayos ang kanyang lagay at siya ay nagpapalakas. “Sa mga kapwa ko artista at kasama sa industriya, sa aking mga kapamilya, mga kapatid, mga kaibigan at sa mga sumusuporta sa akin, gusto ko pong magpasalamat sa patuloy n’yong pagdarsal na higit nagpapalakas sa akin ngayon. Gustong-gusto ko kayong makapiling pero nagpapalakas pa ako ngayon. Huwag kayong mag-alala, I’m okay,” paniniyak niya.

Nakuha pa ngang magbiro ni Dolphy sa video nang sabihin niyang, “Ito po si Dolphy, hindi po ako double.”

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here