Gabby Concepcion back in ABS-CBN

0
67

Muli na namang nagbabalik Kapamilya si Gabby Concepcion para sa isang teleserye.

Nitong Miyerkules, pumirma muli ng kontrata si Gabby para sa isang bagong show kung saan makakasama niya si Andi Eigenmann at Iza Calzado.

“Makakasama ko dito si Iza Calzado at saka si Andi at mayroon pang isa, pero mystery pa, surprise, apat kami dito. Supposed to be magte-taping kami ng April. Ang airing hindi ko pa alam,” ani Gabby.

Masaya din ang aktor sa muling mainit na pagtanggap ng Kapamilya network.

Ibinahagi din niya na ang ganda ng istorya ng panibago niyang serye ang dahilan kung bakit muli siyang nagbabalik Kapamilya.

“Magaling gumawa ang ABS-CBN ng story. Kahit noong una pa akong dumating noong 2008, napapanood ko, magaling.”

Sa panayam, ibinahagi din ni Gabby ang kasiyahan sa balitang nakikipag-date na muli ang anak na si KC Concepcion matapos ang kontrobersiyal na pakikipaghiwalay nito kay Piolo Pascual.

“Kaligayahan niya ‘yon. Everybody needs to be loved and everybody wants to love. Makikita naman natin lahat sa Twitter ‘yan,” ani Gabby.

Matatandaang nitong Miyerkules ay umamin si KC na nakipag-dinner siya kasama ang British singer Jules Knight.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here