Gerald Anderson on John Lloyd-Sarah kissing scene: ‘Labas po ako d’yan’

0
41

Sinabi ng aktor na si Gerald Anderson na wala siya sa posisyon para pigilan sakaling magkaroon man ng kissing scene si Pop Star Princess Sarah Geronimo sa kanyang bagong pelikula.

Sa ngayon ay nagsisimula na ang shooting ng ikatlong pelikula ni Sarah kasama ang Blockbuster King na si John Lloyd Cruz.

“Labas po ako diyan. Kumbaga, wala naman akong karapatan para magbigay ng comment d’yan,” ani Gerald na kamakailan lang ay umaming nililigawan na niya ang Pop Star Princess.

Ayon sa aktor ang sigurado siya ay masaya siya sa balik-tambalan ni Sarah at John Lloyd.

“Yes! Isa ako sa mga fans nila. So, aabangan ko talaga iyan.”

Sa ngayon ay nasa labas ng bansa si Gerald bilang parte ng Star Magic Concert  Tour sa Hawaii.

Pagkatapos sa Hawaii nakatakda ding magtungo sa California si Gerald para naman sa Bida Serye Royal.

Inamin din ni Gerald na nakapag-paalam siya kay Sarah dahil sa may tatlong linggo siyang mawawala sa bansa.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here