Isang babae na walang quarantine pass ang nagwala, at nanakit ng pulis sa Novaliches checkpoint

0
353

Developing story~~Isang panibagong video na naman ang nag-viral ngayon Sabado matapos magwala at manakit ang isang babae sa Barangay Nagkaisang Nayon, Novaliches sa Quezon City.

Habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga kapulisan, may isang babae na nilagpasan lang ang mga pulis at walang ipinakitang quarantine pass.

Hinabol ng mga pulis ang babae at hinihingan ng quarantine pass. Sinaway rin ito dahil bawal ang ginagawa nitong paglabag sa batas.

Ngunit hindi nagpatinag at nagpatuloy lang sa paglalakad ang babae kahit na pinipigilan siya ng mga otoridad.

Habang sinisita ang babae ay agad naman niyang inatake ang nagvi-video.

Makikita ang paninipa at pananampal ng babae sa mga pulis.

Umani na ng maraming batikos ang pananakit ng babae. Imbes na sumunod sa mga otoridad ay nagpatuloy pa rin ito sa pagmamatigas.

Makailang beses pa niyang sinugod ang mga pulis at patuloy langsa paglalakad. Rason niya ay hindi umano bawal ang kanyang ginagawa dahil naglalakad lang umano siya.

Pilit siyang pinapakiusapan ng pulis ngunit ayaw makinig ng babae. Pinunit rin niya ang hinihinalang ID ng mga pulis.

Panoorin ang buong video:

https://facebook.com/story.php?story_fbid=3229078393777730&id=100000268043531

Source: Facebook

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here