Jason Francisco on Melai Cantiveros after their breakup: ‘Hindi pa ganun kaayos’

0
68

Matipid pa rin ang sagot ni Jason Francisco nang tanungin siya tungkol sa dating girlfriend na si Melai Cantiveros. Matatandaang nag-break ang dalawa ilang buwan na ang nakalilipas subalit mukhang hindi pa ganun kaayos ang kanilang relasyon.

“Much better,” sagot ni Jason nang kamustahin siya kamakailan nang iabot niya ang napanalunang P100,000 sa napiling institusyon na kampanya ng Bench. “Mas okay ang feelings ko ngayon [kesa] three months ago. Pero minsan okay, minsan hindi. Ibig sabihin hindi pa ganun kaayos,” paliwanag niya. “Hindi pa ganun ka okay.”

Kaya nga raw minsan, para malibang siya ay nagbabakasyon siya kasama ang mga kaibigan. “Nagpapaalam ako para makapagbakasyon kasi parang ano nga ma-divert ‘yung attention mo. Hihinga ka na lang (sabay hinga niya nang malalim). Nag-usap na kami. Text text,” matipid niyang sambit.

Kuwento pa niya, kamakailan daw ay nanggaling siya sa Bacolod at nagbakasyon ng ilang araw. Kasama raw niya ang kanyang mga dating fans na naging mga kaibigan niya.

Katatapos lang ng Angelito: Batang Ama at naghihintay pa raw siya ng kasunod na proyekto. Sa ngayon ay magpapahinga muna si Jason at uuwi ng probinsya para sa kaarawan ng kanyang lolo.

Noong Huwebes, April 19, ay nagtungo si Jason sa San Pedro, Laguna,  para mag-donate ng P100,000 sa Mary Mother of Mercy: Home for the Elderly and the Abandoned. Si Jason kasi ang kauna-unahang Bench celebrity endorser na nabahagian ng nasabing pera mula sa 20 celebrity endorsers ng Bench. Si Jason kasi ang unang nakalikom ng 100,000 votes sa campaign ng nasabing clothing brand. Sa nasabing isinusulong na campaign ng Bench, pumapangalawa si Dingdong Dantes at sumunod si Lucy Torres.

“Masaya hindi ko naman in-expect na makapagbigay ako ng ganon, sobrang thankful,” kuwento ni Jason nang makapanayam matapos ang awarding ng charity money.

Ang pagboto ay ongoing pa rin at layong makapagbigay ng kabuuang P1 milyon para sa kawanggawa. Makakaboto rito sa pamamagitan ng  pag-log on sa www.benchtm.com/1m41m, o kaya naman ay pag-follow sa Twitter account ng Bench.

Kuwento ni Jason hindi naman daw siya active user ng mga social networking sites at kumpara sa bilang ng mga followers, mas marami ang followers ng ibang artista, subalit talaga raw masipag ang mga followers niya sa pagpo-promote at pagri-retweet na iboto ang kanyang chosen institution.

Kuwento pa niya, may nagbalita raw sa kanya ng tagumpay niya sa sa kampanya. “Sa totoo lang, ang mga followers ng ibang artista 100,000 o 300,000 [tapos] ang followers ko ngayon nasa 60,000 pa lang. Kasi tiyagaan lang, ang iba ang sipag mag-retweet,” anang dating Pinoy Big Brother housemate.

Nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya na naunahan pa niya ang ibang bigating artista sa paglikom ng sapat na boto, ang nakakatuwang sagot ng binata, “Marami namang pera ‘yun eh kahit sila na lang ang mag-donate. Masaya kasi marami kasi ang solid, eh. ‘Yung iba follow lang sila, ‘yung iba tinatamad. Salamat sa mga fans at mga tao na nag-support. Hindi naman para sa akin, para naman sa matatanda, naging instrument lang ako para sa charity.”

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here