Kathryn Bernardo says there’s no rivalry between her and Julia Montes

0
141

Nilinaw man ng ilang ulit na walang kumpetisyon sa pagitan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes ay hindi talaga maiwasan na pagkumparahin ang dalawa simula nang magbida sila sa teleseryeng Mara Clara (2010). Kahit na pinaghiwalay na sila sa mga proyekto at binigyan ng kani-kaniyang teleserye ay ayaw pa ring humupa ng pagtatapat sa dalawang batang aktres. Especially now na magsisimula na ang teleserye ni Kathryn na Princess and I sa April 16, Monday, muling umiingay ang “tapatan” nila ni Julia na ngayon ay kabilang sa current top-rating teleserye na Walang Hanggan, bilang leading lady ni Coco Martin.

At gaya ng kanyang previous statements, iniiwasan ni Kathryn ang mga isyung pinagtatapat sila ng kanyang kaibigan at sinasabing magkaiba sila ng tinatahak na karera. “Magkaiba kami ng career path, magkaibang-magkaiba,” diin ng young actress. “Si Julia nakita natin na pina-mature na siya sa Walang Hanggan, sa role niya ngayon na very mature at may asawa na at nagwo-work na. Ako naman ang pang teenybopper, nagre-represent sa 14 to 17 (years old) ‘yung mga teens. Magkaiba ‘yung audience namin. Sa akin ang mas bata at ‘yung kay Julia ‘yung mas matured role.”

Pagdidiin niya, napagkasunduan nila ni Julia na walang problema sa kanilang samahan. “Sa projects na ginagawa namin, as long as walang problem sa amin, okay lang.”

Papalitan ng Princess and I ang Eboy sa primetime block. Kasunod ng teleserye ni Kathryn ay ang soap opera nina Coco at Julia. Ang iniisyu ngayon, sino sa dalawang aktres ang mamamayagpag bilang prinsesa ng primetime. Pa-safe ang sagot ni Kathryn. “Tingin ko naman po pwede naman sigurong dalawa ang prinsesa ng primetime or marami pa kasi nakita naman nating lahat na super deserving naman po talaga si Julia so hindi ko po masasabi [kung sino ang magiging primetime princess].”

Tatlo ang leading men ni Kathryn na tinitilian talaga ng mga fans ngayon; sina Enrique Gil, Khalil Ramos, at Daniel Padilla. Ayaw namang mamili ni Kathryn kung sino sa kanyang mga leading men ang pinakamalapit sa kanyang puso.  “Ang hirap po kasing mamili kasi bawat isa sa kanila iba-iba ang personality nila, iba-iba ang pagkagwapo nila na tinitilian ng mga girls. Hindi ko po masasagot sa ngayon kasi gusto ko pong kilalanin lahat.” Dagdag pa niya, posibleng malaman niya ang sagot sa tanong kapag natapos na ang proyekto.

Marami ang nakakapansin sa pagiging maginoo ni Daniel kay Kathryn compared to the other two guys pero sinabi naman ni Daniel na hindi pa siya nanliligaw sa ngayon sa kanyang leading actress.

Wala pa rin daw sa isip ni Kathryn na makipagrelasyon. “Ngayon po open naman ako sa mga nanliligaw sa akin pero ‘di muna makikipag-commit kasi super bata ko pa.

May kanya-kanya raw paraan ang kanyang tatlong leading men na maipakita ang kanilang concern sa aktres. “In fairness naman po sa kanila ‘pag may ibinigay ‘yung isa pati din ‘yung dalawa. Balanced naman sila. Kagaya nung birthday ko, nagbigay naman sila ng gifts sa akin, si DJ (nickname ni Daniel) nag-give siya ng chocolates and then si Khalil lotion and then shampoo and then si (Enrique) lalagyan ng watch. Lahat naman kasi sila maalaga sa taping namin.” Baby brother daw ang tingin ni Kathryn kay Khalil na pinakabata sa kanila, habang marami raw silang natutunan kay Enrique bilang siya ang pinakamatanda sa kanila at maalaga naman si Daniel na tatak Padilla.

Ang Princess and I ay pinagbibidahan din nina Gretchen Barretto, Dominic Ochoa, Albert Martinez at marami pang iba.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here