Lalaking nagnakaw umano ng 2 luncheon meat arestado sa Maynila

0
201

MAYNILA — Ikinulong ang 53 anyos na lalaki dahil sa pagnanakaw umano ng canned goods sa isang grocery store sa Paco, Maynila. 

Sa report mula sa Manila Police District, dinala ng security supervisor ng Super 8 Retail Systems, Inc. sa police community precinct (PCP) sa Paco ang suspek, na isang pedicab driver at residente sa Barrio Tejeros, Makati City. 

Batay sa report ng pulisya, bandang alas-11:30 ng gabi noong Biyernes nang mahuli ng guwardiya ang suspek sa pagtangay umano ng dalawang lata ng luncheon meat na nasa P381 ang halaga. 

Ayon naman sa Paco PCP, nakalabas na ng grocery store ang lalaki nang masita sa hindi binayarang produkto. 

Hinold muna ng pamunuan ng Super 8 ang lalaki para bigyan ng pagkakataon na makapagbayad, pero hindi umano dumating ang kanyang asawa para bayaran ang luncheon meat. 

Isinailalim sa medical check-up ang lalaki bago itinurn over sa Ermita Police Station. 

Umusad na rin ang inquest proceedings sa lalaki para sa kasong shoplifting at nakatakda siyang iharap sa Manila City Prosecutor’s Office ngayong linggo.

Source: ABS-CBN

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here