Manny Pacquiao says that his new found Christian life is the reason why he has changed

0
28

Tuloy-tuloy na nga ang pagbabagong buhay ni Manny Pacquiao sa kanyang pagiging Kristiyano at sa naging panayam ni Dianne Castillejo kay Manny Pacquiao nang magdaos ang People’s Champ ng Christian Fellowship sa Dolphy Theater sa ABS-CBN, inilahad ni Manny ang mga naging pangyayari sa pagiging buhay-Kristiyano. Kung dati’s nagba-Bible study lamang, siya na ang naglalahad ng salita ng Diyos sa harapan ng maraming tao na dinaluhan din ng asawang si Jinkee Pacquiao, mga artista at kilalang personalidad tulad nina Miriam Quiambao, Toni Gonzaga at boyfriend nitong si Direk Paul Soriano. “Kailangan maintindihan ng lahat na hindi lang tayo nagdadasal, hindi lang tayo nagdadasal araw-araw, at nagsisimba, the question is are we true being enough in the eyes of God. Sinasalba natin yung kalooban ng Ama, kasi ang sabi niya, in Matthew 17:21  Not everyone who says to me, ‘Lord, Lord,’ will enter the kingdom of heaven, but only he who does the will of my Father who is in heaven, but only the one who does the will of my Father. yun lamang sumususnod sa kalooban ng kanyang ama.”

Ayon din kay Manny ang pagdarasal, pagbabasa ng Bibliya at paglahad ng salita ng Diyos ang nagbigay ng bagong buhay sa kanya. “Talagang if you confess kasi, nagsisisi ka na sa mga kasalanan mo hindi mo na gagawin ulit. Nagsisisi ka na sa mga kasalanan mo kaya hindi mo na gagawin yung kasalanan mo kasi nagsisi ka ngayon. Nagdasal ka ngayon tapos Monday to Saturday yun pa rin ang kasalanang ginagawa mo tapos sisimba ka ulit, you are deceiving (not God) but yourself.”

Isa din sa naging laman ng kanyang speech sa dinaos na fellowhip ay ang pagkumpara niya sa mga nangyayari sa kanyang buhay sa ibang mga atletang tulad na lamang nina Jeremy Lin at Tim Tebow na ang pagsikat ay kagustuhan ng Panginoon para ipalaganap ang nalalapit na katapusan ng mundo. “Sabi ko nga basahain nila yung Mark 13, yung huong chapter na yun, and then ikumpara nila sa mga nangyayari ngayon and what happened to Syria ngayon, yung Damascus, basahin nila yung Isiah 17 nandun yan yung Damascus na mangyayari so it happened already.”

Natanong din ang World Champion kung may plano ba siyang ituloy-tuloy na itong fellowship na ito sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. “Yung mga gustong makinig ng salita ng Panginoon ay ishashare natin sa kanila, kailangang maintindihan ng tao,” sagot ni Manny.

At sa nalalapit ngang laban ng boxing champ kay Timothy Bradley, plano niya rin bang ikalat ang salita ng Diyos sa boxing community sa buong mundo at sa pagdating nito sa Amerika para sa kanyang ensayo? “Yes kahit saan basta may tao,” pagkumpirma ni Manny.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here