Melai Cantiveros says she has matured after her breakup with Jason Francisco

0
42

Pagkatapos ng kanilang paghihiwalay ni Jason Francisco, tila nakabangon na si Melai Cantiveros at nakakangiti na rin. Sa interview sa kanya kamakailan ng The Buzz team, walang bakas ng lungkot sa mukha ng dating Pinoy Big Brother Big Winner. “I’m very happy and siyempre mas minahal ko ang sarili ko ngayon, over-over ako sa focus sa sarili ko,” simula ng komedyante. Ibinahagi rin ni Melai ang kanyang natutunan hinggil sa pinagdaanan niya pagdating sa buhay pag-ibig. “Kaya daw tayo nagiging mabuti sa future dahil sa [ating] past.”

Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga taong dumadaan din sa proseso ng break-up. “Kung meron silang pinagdadaanan, dumaan sila sa maayos na daanan. Huwag silang magpaka-stress, enjoy n’yo ‘yung dinadaanan n’yo. After that may mali-learn kayo na lesson and magma-mature kayo.”

Kinlaro rin ng dalaga na wala siyang sama ng loob sa dating ex-housemate na si Paul Jake Castillo na diumano’y nag-impluwensiya kay Jason na mambabae. “Matanda naman na si Jason para magpa-udyok siya. Wala kaming problema ni Paul Jake, over kami sa pagka-friends.”  Tumanggi namang magkomento si Melai nang tanungin siya kung maayos ba ang relasyon nila ngayon ni Jason.

Samantala sa Buzz ng Bayan, kung saan ang survey ay tungkol sa dapat gawin ni Melai ngayon wala na sila ni Jason, nanaig ang choice na dapat ay ituon muna ngayon ni Melai ang pansin sa kanyang sarili with 86.38 percent laban sa choice na humanap ng bagong pag-ibig with 13.62 percent.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here