Robin Padilla is not yet intent on having a baby with wife Mariel Rodriguez

0
43

Mukhang hindi pa excited si Robin Padilla na magkaroon ng baby sa kanyang asawa na si Mariel Rodriguez. “Ayoko muna, ako lang ang baby niya,” pahayag ni Robin. Aniya, gusto niya ay sa kanya muna ang atensyon ng asawa. “Kasi unang-una, andami ko nang anak, ‘pag nag-anak ako sa kanya, alam na alam ko na ‘yung mangyayari. Beterano na ako d’yan, ‘yun na ang magiging buhay niya, hindi na ako. Ako’y ilang taon na, sa edad kong ito dapat ako na ang baby.” Nakuha pa ngang magbiro ni Robin kung bakit nag-asawa siya ng babae na malaki ang ng kanilang edad. “‘Di naman ako nag-asawa ng bata para ‘di ko pakinabangan.”

Naikasal man sa Muslim rights ang mag-asawa sa India last year, hindi naman natuloy ang plano nila na maikasal sa simbahang Katoliko noong August 2011. Matatandaang nagpunta pa ang mag-asawa sa Vatican upang doon maikasal subalit naunsyami ito dahil hindi sila pinahintulutan ng Vatican. Marami pa raw kasing nire-request ang Vatican na mga requirements.

Gayunpaman, sinabi ni Robin na hindi pa siya sumusuko at balak niyang ituloy ito in the future. Pero tila, iba naman ang iniisip ng kanyang asawa. “Sa ngayon kasi after ng Vatican naiba na ‘yung priority ni Mariel. Ang ginawa niya after ng Vatican inayos niya ‘yung papel at naiparehistro niya at pinapalitan niya lahat ng kanyang passport ng Padilla, ‘yun ang ginawa niya. Legally nagawa na niya, siguro spiritually andun. Ako kasi hindi sumusuko, siya na nagsabi huwag muna.”

Dahil siguro sa pagkakakansela ng kanilang kasal sa simbahang Katoliko, sinabi ni Robin na nawalan ng gana si Mariel. “siyempre naman nandun na kami eh, papunta na kami ng simbahan, nasa loob na kami ng simbahan gagawin na ‘yung kasal,” paliwanag ni Robin. “Nagtatanungan lang ng mga bagay na ‘di ko masagot, ‘di ko masabi pero andun na kami. Pero hindi naman nagtanim [ng galit si Mariel], ano lang, parang ‘di pa ito ang panahon. Huwag nating pilitin.”

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here