Shamcey Supsup: ‘When it comes to my private life, I’m a bit selfish’

0
35
Sumikat man si Shamcey Supsup nang pumang-apat siya sa 2011 Miss Universe Pageant, sinabi ng beauty queen na hindi pa rin siya sanay sa pagiging public figure, kaya naman mas gusto raw niya na ginagawang pribado ang ilang aspeto ng kanyang buhay. “Actually it’s more on my part (to keep my life private), parang when it comes to private life ko I’m a bit selfish,” pag-amin ng Miss Universe 3rd runner-up.
Isa pa raw iyon sa kanyang paraan para mapangalagaan ang kanyang buhay pag-ibig, at ang kanyang boyfriend na si Lloyd Lee. “I feel it’s something I can keep for myself. ‘Yun na lang ang natitira na masasabi kong akin na lang, ‘yung ganon. It’s usually hard for me being a public figure kasi I have a lot of friends, I’m really friendly, but then nung andaming nakakakilala, andaming nakakaalam, I felt I had to protect him (Lloyd).”

Kinumpirma rin ni Shamcey na recently ay binigyan siya ni Lloyd ng promise ring. Si Lloyd ang first boyfriend ng 25-year-old beauty titlist. Kuwento ni Shamcey, hindi niya inasahan nang ibigay sa kanya ni Lloyd ang promise ring. “As in biglaan lang. Supposedly he would have given me that (ring) after a date, after three days, four days, so parang ‘di siya makapaghintay, so parang out of nowhere lang sabi niya, ‘This is for you.’ Parang ‘di ko naman in-expect na agad-agad. We were just talking about it. So akala ko ‘di pa siya nakakabili, ‘yun pala matagal na pala siyang nakabili.”

Katuparan daw ng kanyang pangarap ang pagdating ni Lloyd sa kanyang buhay. “It was like the right timing that he came into my life. Siguro, I really prayed for him, kumbaga specific ako sa prayer ko. I had my life planned out. I thought sa dreams ko lang, sa fantasy ko lang, parang I never thought na mangyayari.” Ayaw namang ibunyag ni Shamcey kung kelan sila nagbabalak ni Lloyd na magpakasal, although nasabi niya before na baka sa 2013 ito maganap. “When we’re both ready. It will come,” ang nasabi lamang ni Shamcey kay The Buzz host Charlene Gonzales.

Kung ideal wedding naman ang usapan, simpleng kasal lang daw ang hinahangad ni Shamcey. “Ako talaga ang gusto ko talagang wedding (ay) small wedding. I want it just to be my family, his family, ‘yung ganon. Kasi sa akin hindi naman talaga importante ang wedding ceremony, it’s the marriage.”

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here