Vina Morales on her love life: ‘I never thought of dating again, until now’

0
21
Kamakailan ay inamin ni Vina Morales na mayroon nang nagpapatibok muli ng kanyang puso. Sa kanyang guesting sa Kris TV, inamin ni Vina na isang foreigner ang kanyang bagong pag-ibig. “It was Kris (Aquino) who asked me, alam n’yo naman ‘di ako nagsasalita about my love life. Of course, you couldn’t lie naman. To me now, I would say, after having Ceanna, it’s been three years that I’ve never thought of dating. I never thought of dating again. Until now, I would say, I’m ready to date. You know, my doors are open. I don’t know who will I end up with.”

Pero sa nangyayaring ito sa buhay pag-ibig ni Vina Morales at sa dami ng kanyang napagdaanan dito, ipinapaubaya niya na lang lahat sa Panginoon, “Only God knows. Ayoko ng mag-decide for myself. Hindi ko masabi kung ito na ba, or may darating pang iba. I really don’t know, but for now, I’m just overwhelmed by what’s happening in my life.”

Isa sa mga magagandang nangyayari kay Vina Morales ay ang pagbilang niya sa adaptation Broadway musical na Rock of Ages. “It’s a Broadway theater play and it’s going on in New York and in London and they’re bringing it here. And I’m just so happy because I’m part of the production. Nagpapasalamat kami sa Atlantis Productions.”

Naikwento na din ni Vina kung ano ang magiging role niya ditto. “I will portray the role of Sheree. Sheree comes from a small town and went to LA to find her dreams, gusto n’ya maging artista. Sheree meets Drew, he wants to be a famous rocker. They fall in love. It’s a cute love story. Parang concert talaga!”

At ngayong Holy Week, trabaho pa rin ang pagkakaabalahan ni Vina Morales. Kabilang siya sa mga magpeperform for Star Magic 20th Anniversary Concert sa Honolulu, Hawaii.

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here